• Version 1
  • Download 107
  • File Size 1.29 MB
  • Create Date July 21, 2020
  • Download

Ano ang vermicomposting?

Ito ay isang proseso ng paggawa ng organikong pataba (vermicompost) mula sa mga nabubulok na materyales na ginagamitan ng mga bulate.

Ito ay isang aktibidad na magkatuwang na ginagawa ng mga mikroorganismo at bulate.

Ang vermicompost na nalikha bilang organikong pataba ay produktong mula sa pinagsamang vermicast (dumi ng bulate) at mga nabulok nang materyales na dumaan na sa bituka ng bulate.

Sa pamamagitan ng vermicomposting, 30-35 na araw lamang ay maari nang makaga-wa ng organikong pataba depende sa klase ng materyales na ginamit.