• Version 1
  • Download 27
  • File Size 297.62 KB
  • Create Date July 23, 2020
  • Download

Ano ang kompos?

Ang kompos ay isang uri ng  pataba (organic fertilizer) na nagmula sa nabulok na mga halaman, basura, dumi ng hayop at anumang uri ng organikong materyal.

Ano ang Trichoderma?

Ang Trichoderma harzianum ay isang uri ng fungus at kilala rin sa tawag na Compost Fungus Activator (CFA). Ito ay pure culture na pinapatubo sa agar-oatmeal medium na kasingbisa ng powder form.

Sa tamang moisture content, mabisa at malaki ang maitutulong nito sa pagpapabilis ng dekomposisyon o pagkabulok ng tinatawag na lignocellulose materyal katulad ng dayami, busal at tangkay ng mais, sapal ng tubo, damo, tuyong dahon, tira-tirang pagkain at dumi ng hayop.