BSWM Logo BSWM Logo

News, Stories, others




WORD OF THANKS: to the Bureau of Soils and Water Management

By Mr. Rolan L. Nogalada – March 31, 2015



The Department of Agriculture
AGRIPINOY RICE ACHIEVERS AWARDS 2014
March 26, 2015 Resorts World Manila


WORD OF THANKS
to the BUREAU OF SOILS AND WATER MANAGEMENT

by

Mr. ROLAN L. NOGALADA
President, San Jose Norala Communal Irrigator's Association, Region XXII
Outstanding SWISA 2014

article image
Sa ating butihing kalihim ng Kagawaran ng Pagsasaka Secretary PROCESO J. ALCALA, Under Secretary ANTONIO A. FLETA sa ating National Rice and Corn Program Coordinator Assistant Secretary EDILBERTO DE LUNA, ang ama ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM), Director SILVINO Q. TEJADA at Asst. Director SONIA M. SALGUERO at sa amin pong Ina ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Rehiyon 12, Regional Executive Director AMALIA J. DATUKAN, Rehiyon 12 Small Water Irrigation System Association (SWISA) Coordinator MARCELO DAYO at sa lahat ng panauhin na nandito ngayon magandang hapon po sa lahat.

Naalala ko noon ng ako’y inimbita ng Department of Agriculture (DA) at ako’y dumalo ng MAKINASAKA sa Cagayan De Oro City, nang kami’y dumating doon, marami akong nakilala na mga Presedente ng ibat-ibang asosasyon at sabi ng iba sila raw ay nakatanggap ng award galing sa Department of Agriculture (DA) Region 12 at nakita ko din ang Presidente ng Small Water Irrigation System Association (SWISA) na naging Outstanding sa Mindanao Cluster, at dahil doon sabi ko sa sarili ko “ darating ang panahon na matatanggap din naming ang ganong parangal.” Ako’y nangarap ng gising sa mga panahong iyon, hindi naman siguro masamang mangarap, di po ba? Ang mga pangarap na iyon ay natupad dahil sa programa at tulong ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Soils and Water Management (BSWM).

Noong una ang mga magsasaka doon sa amin sa San Jose, Norala, South Cotabato ay walang magandang patubig o irigasyon ngunit dahil sa tulong ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM) at ng Department of Agriculture (DA) Region 12 at Municipal Agriculture kami po ay nabiyayaan ng isang proyekto at dahil dito nagkaroon nang magandang daloy ng tubig sa aming mga sakahan. Dahil po dito ang simpleng magsasaka doon sa amin ay nakatanim na ng 2 hanggang 3 beses ng palay sa isang taon at ito rin ang naging simula na ang buhay ni Juan Dela Cruz ay umunlad.

Sa ngayon po, ang aming Asosasyon ay nakaramdam na ng pag-asa at nagkaroon ng liwanag ang aming dating mahirap na pamumuhay. Kami po ay ginabayan ng mga tauhan ng Bureau of Soils and Water Management kung paano magkaroon ng isang matatag at matibay na samahan, kasama po rito ang paggawa ng plano at programa para sa pantay pantay na karapatan sa paggamit ng tubig sa aming sakahan. Karagdagan pa po sa aming tagumpay ang mga makinarya na ipinagkaloob sa amin ng Department of Agriculture (DA) isa po rito ang one (1) unit TURTLE TILLER na nakatulong para sa aming programa na SYNCHRONOUS FARMING. Pero syempre po mas gaganda pa po ang aming programa kung mabibigyan pa kami ng one (1) unit ROTAVATOR para magiging sabay-sabay ang aming Land Preparation at idagdag ko na rin po sana sa ating mahal na kalihim na sana po ay mabigyan din kami ng SHREDDING MACHINE upang mapalakas naming ang produksyon ng aming Organic Fertilizer at makatulong sa aming mga kasama na mabawasan ang gastusin sa pagbili ng abono , ang shredding machine din po ang magpapalakas ng aming production na lalong magpapataas ng aming kita.Positibo po ako na ang katuparan ng aming pangarap ay magtutuloy tuloy sa pamamagitan ninyo. Katunayan po sa laki po ng pasasalamat namin sa Poong Maykapal kami po ay nagkaroon ng Harvest Festival, dito lahat ng miembro ay nag-aalay ng panalangin sa magandang ani at kasama po sa aming dalangin ang pasasalamat sa mga taong naging daan upang makamit namin ang tagumpay na ito at kayo po iyon.

Sa ngalan po ng San Jose Norala Communal Irrigators association kami ay nagpapasalamat sa Department of Agriculture, Bureau of Soils and Water Management at lalong lalo na sa Poong Maykapal na patuloy na nagbibigay ng biyaya sa amin at sa ating lahat.

Maraming salamat po and God Bless us all!





Back to Articles list    |    Back to top
Programs
Announcements
    No job vacancy.

View vacancies
    No invitation to bid

Other invitations to bid
Downloads